by Robbie Pangilinan, SPORTSBRO Column XFILES
Isang mataas na opisyal ng Table Tennis Association of the Philippines (TATAP) ang diumano’y sangkot sa human trafficking sa Estados Unidos. Nagreklamo ang ilang manlalaro laban sa opisyal matapos silang singilin nito ng 60,000 piso para makapaglaro sa nasabing bansa. Kasama umano sa bayad na ito ang US Visa ng mga manlalaro ngunit hindi naman sila nakalusot sa US Embassy.
Minsan nang naireklamo ang opisyal ng ilang babaeng manlalaro dahil hiningan sila umano ng pabor na sekswal para maging miyembro ng national team. Ang nasabing opisyal din umano ang dahilan kaya napatalsik ang dating pangulo ng TATAP.
Ilang balita na din ang kumalat na ang opisyal na ito ay madalas kumuha ng “ghost coaches” na silang nakikinabang sa buwanang sahod mula sa TATAP. Malimit umanong sumasali ang mga ito sa mga kumpetisyon sa ibang bansa gamit ang pera ng asosasyon ngunit hindi naman pinaglalaro ang RP team.
Dapat maisiwalat na at mailabas sa publiko ang mga ginagawa ng opisyal na ito upang mapatalsik sa TATAP.









Comments
I don't think inggit ang dahilan ng pagbubulgar nito. If there is no truth to this allegations, bakit naman ang isang hamak lang na manlalaro ng pingping magkakaroon ng tapang harapin at labanan ang napakagarapal na opisyal na ito kung pawang kasinungalingan lang ang isyong ito. There is basis to accuse because this player was himself a victim.
Abangan....
RSS feed for comments to this post.